CLOSE

Obra maestra sa mundo

  • Obra maestra sa mundo 2016/10/06 UP
  • Print

Obra maestra sa mundo #1
Laser tool measuring system na kaya ang on-machine tool measurement at awtomatikong pag-detect ng micro wear at pagkasira ng mga rotary tool

Share
Tag
  • Automation
  • On-machine measuring system
(Pangalan ng produkto)
Blum-Novotest (Germany)
Laser tool measuring system “LaserControl Micro Compact NT”
-Non-contact type tool setting system para sa mga machine tool-

Panganib ng nababawasang katumpakan ng machining na dulot ng pagkaluma at pagkasira ng mga tool tip

Ang patuloy na paggamit ng mga naluma o nasirang tool tip ay maaaring humantong sa iba't ibang problema gaya ng pagiging hindi tumpak ng workpiece, pagkasira ng tool at kabawasan sa pagiging produktibo, kahit na kaunti lang ang pinsala. Ang pagsukat ng mga tool tip ay nangangailangan ng pag-aalis ng mga tool sa machine, paglilinis sa mga pinagtapyasan, at muling pagkakabit ng mga tool. Umuubos ng panahon at matrabaho ang mga ito, na maaaring magdulot ng mga pagkakamali sa pagpapatakbo at pagkakamali sa katumpakan ng machining. Ang awtomatikong pag-detect ng micro wear at pagkasira ng mga tool habang nagsasagawa ng machining ay malaking isyu noon pa sa pagiging produktibo. Ang pagkaluma ng R-shaped tip ng ball endmill, na kadalasang ginagamit sa mga 5-axis machine, ay mahirap sukatin gamit ang contact-type measuring system, kaya naging mataas ang demand para sa mga napakatumpak na non-contact type measuring system.

Ang napakatumpak na pagsukat ng mga tool sa makina na may minimum na diameter ng 10 μm na naisasagawa ng focused na laser beam

Ang LaserControl Micro Compact NT, isang laser tool measuring system ng Blum, ang pinakatumpak sa mundo. Unang nai-develop ng kompanya ang produkto sa industriya mahigit 25 taon na ang nakalipas. Kaya ng produkto na magsukat ng mga tool tip sa isang makina gamit ang laser beam at mag-detect ng micro wear at pagkasira nang hindi inaalis ang mga tool sa mga makina na ginagamit. Ang awtomatikong pagsukat ng mga tool tip ay makakatulong sa pagiging lalong produktibo. Naisasagawa ng LaserControl Micro Compact NT ang pagsukat ng mga tool na may minimum na diameter na 10 μm sa pamamagitan ng focused laser beam (BL105). Ang mga tool ay masusukat batay sa bilis ng pag-ikot, na makakalutas din sa mga isyu sa katumpakan ng machining na sanhi ng pag-vibrate ng tool.

Tinitiyak ng patented na teknolohiya ng NT ang stable na pagsukat sa matinding kundisyon sa loob ng makina kung saan ginagamit ang coolant at nagmumula ang mga pinagtapyasan

Nakakamit ng produkto ang pinakamataas na antas ng proteksiyon sa alikabok at tubig laban sa halumigmig, coolant, at mga pinagtapyasan (IP68). Ang shutter system na pinatatakbo ng hangin at ang air purge na nakakabit sa bahagi na tumatanggap at nagta-transmit ng laser ay pumipigil sa coolant, pinong alikabok, at mga pinagtapyasan na makapasok sa makina para matiyak ang stable na pagsukat sa matinding kundisyon sa loob ng makina.

Ang LaserControl Micro Compact NT ay nagbibigay-daan sa pagsukat sa micron sa pamamagitan ng thermal displacement compensation para makontrol ang init sa loob ng makina, teknolohiya ng NT para maisagawa ang napakatumpak na pagsukat sa kabila ng matinding kundisyon, orihinal na air blow system at mga espesyal na program para suportahan ang bawat function.

*Ipinakilala sa oras na 0:45 hanggang 2:05

Ipinapakilala ng artikulo sa buong mundo ang hanay ng mga masterpiece equipment ng DMG MORI.

Pakibisita ang DMG MORI showroom namin para makita ang mga produkto sa artikulo.

*Dahil ang ilang equipment ay naka-display sa loob lang ng limitadong panahon, mangyaring makipag-ugnayan muna sa amin.

The bookmark function is a service restricted to members.
To use it, you must register as a member and log in.