CLOSE

Mga CNC machine tool

Bilang pandaigdigang manufacturer ng CNC machine tool, ang DMG MORI ay maraming taon nang nag-aalok ng mga CNC machine tool na mahusay ang performance at napakaepektibo. Taglay ang tradisyon at karunungang itinataguyod mula pa na noong itatag ang kompanya, gayundin ang walang-pagod na pagsisikap ng bawat empleyado namin sa buong mundo, iniaalok namin ang pinakamalaki at pinakamahusay na lineup ng mga produkto para sa mga customer.
Ang DMG MORI ay nagbibigay ng mga nangungunang machine tool na nakatutugon sa iba't ibang pangangailangan ng napakaraming industriya kabilang ang mga sektor ng automotive, die and mold, aerospace, semiconductor, at medikal.

Mga 5-axis / Multi-axis Machine

Baliktarin ang kombensiyonal na kaalaman tungkol sa machining ng piyesa

Ipinagmamalaki ng mga 5-axis control machine ng DMG MORI ang milling performance at dali ng paggamit ng mga ito, salamat sa mga 120 taon ng karanasan sa development at produksiyon sa Europe. Ang mga 5-axis control machine na kayang magsagawa ng multi-faceted indexing ay makakakumpleto ng machining sa iisang pag-clamp, at bilang resulta nito ay nababawasan ang dalas ng pagse-setup at napapasimple/nakakabawas ng mga fixture para mapaikli nang husto ang mga haba ng oras ng pagpoproseso. Natitiyak din ng makina ang napakatumpak na machining, na imposibleng isagawa gamit ang 3- at 4-axis machine, sa pamamagitan ng pagpapalapit ng mga tool mula sa maiinam na anggulo gamit ang mga rotary axis nito.

Ang mill-turn machine, gaya ng ipinapahiwatig ng pangalan nito, ay nakakakumpleto ng machining, na kadalasan nang isinasagawa sa maraming makina, sa iisang makina nang walang tulong ng operator. Ang mahusay na performance ng machining na nakakamit sa kumbinasyon ng mga feature ng turning center at machining center ay makakapaghatid sa mga customer ng napakalalaking kita sa pamamagitan ng malaking pagbawas sa mga lead time ng produksiyon at mabisang pag-i-integrate ng proseso sa high-mix, low-volume na produksiyon at mass-production.

Tumingin pa

Mga Turning Center

Pinagmulan ng DMG MORI

Ang DMG MORI ay nagsimulang mag-manufacture ng mga machine tool noong 1958, at magmula noon ang kompanya ay sumikat bilang “Lathe manufacturer Mori Seki” sa pamamagitan ng nagpapatuloy na estratehiya ng paggawa ng mga naiibang produkto na ikinakaiba nila sa iba pang manufacturer sa loob at labas ng Japan. Ang GILDEMEISTER, na nauna sa DMG MORI AG, ay may kasaysayang nasa 150 taon ng pagma-manufacture ng mga turning center. Ang mga lathe ng DMG MORI, na kasalukuyang may kakayahan sa milling pati na rin ang katangian nito na kakayahan sa pagpihit na natitiyak ng BMT (Built-in Motor Turret) at mga gumagalaw na axis, ay naging mga napakatibay at napakatumpak na turning center para sa pagsasagawa ng machining sa napakaraming uri ng workpiece.

Tumingin pa

Mga Machining Center

Pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat larangan

Ang machining center ay isang machine tool na nagsasagawa ng iba't ibang uri ng machining sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga rotary tool para sa milling, hole machining, boring, at tapping gamit ang awtomatikong tagapamalit ng tool. Ang DMG MORI ay nag-aalok ng mga vertical at horizontal na machining center na gagana sa mga robot system at automation system para makatugon sa mga dumaraming pangangailangan ng customer.

Tumingin pa

ULTRASONIC / LASERTEC

Makabago at nangungunang teknolohiya

Ang ultrasonic machine ay may kakayahang magsagawa ng machining ng mga advanced na materyales na karaniwang itinuturing na mahirap hiwain sa mga komplikadong hugis sa mabilis na paraan. Ang resistance sa paghiwa ay makokontrol nang maayos kumpara sa kasalukuyang makina dahil ang pag-ikot ng tool ay naka-synchronize sa ultrasonic vibration sa direksiyon ng Z-axis.
Ang laser machine ay may kakayahang bumuo, magsagawa ng micro machining, mag-power drill at mag-manufacture ng mga precision tool. Ang anumang uri ng bakal at bagong materyal ay maima-machine nang mabisa at mura.

Tumingin pa