- Obra maestra sa mundo 2016/12/01 UP
-
Obra maestra sa buong mundo #4
Floating clamp fit para sa malalaking workpiece na mahirap ayusin at komplikado ang hugis
- Tag
-
- Fixture/chuck

Dahil kailangang isaalang-alang ang taas ng clamp kapag ika-clamp ang workpiece, dapat magkasya ang workpiece sa taas na iyon. Kahit na dumarami kamakailan ang workpiece na maninipis at komplikado ang hugis, maaaring ma-deform ng mga karaniwang clamp ang hugis ng isang manipis na bahagi. Gayumpaman, kung walang pag-clamp, ang mga workpiece ay maaaring maging mabuway o hindi matatag, na maaaring magdulot ng problema sa makina.
Kapag ang mga produkto na ginagawa sa maliit na bilang o mga prototype ay naka-clamp gamit ang isang dedikadong fixture habang nagma-machining, ang manipis na bahagi ng mga workpiece ay maaaring ma-deform ang hugis maliban kung mahusay ang pagkakadisenyo ng fixture. Dahil kailangang laging gumawa ng mga dedikadong fixture para sa mga workpiece, hindi lang nangangailangan ng panahon at gastos, kundi pati ng makabagong pamamaraan sa paggawa nito.
Dito ay ipinapakilala namin ang "floating clamp" na maaaring lumutas sa mga problema sa pag-clamp.
≪Nilalaman ng artikulong ito≫
・Mga feature ng floating clamp
・Halimbawa ng paggamit: Industriya ng paggawa ng eroplano sa U.S.
Matatag na machining para sa mga workpiece na komplikado ang hugis na may pinalapad na maninipis na bahagi
Ang "floating clamp" ay isang clamp para sa pangkalahatang paggamit upang maikabit ang mga workpiece sa pamamagitan ng manwal na paghihigpit. Isa sa mga pinakanatatanging feature nito ay maaaring mabago ang taas nito, upang ang clamp ay makasunod sa laki ng workpiece. Habang ang taas ng clamp ay maaaring baguhin depende sa hugis ng mga workpiece, hindi made-deform ang maninipis na bahagi habang nagma-machining, na tumitiyak sa di-nagbabagong katumpakan.
Angkop ang produkto para sa mga malalaki, komplikado ang hugis na mga workpiece na may ilang mga bahagi na dapat i-clamp, at sa mga workpiece na madaling ma-deform na may maninipis na bahagi. Maaaring palitan ang mga mousepiece depende sa hugis at kapal ng workpiece.
Dahil sa pagiging flexible ng taas ng clamp ayon sa hugis ng workpiece, hindi na kailangan ng mga dedikadong fixture.
Isa sa aming mga kostumer na gumagawa ng mga makina ng eroplano sa Europa ay nagsimulang gumamit ng floating clamp, na nagbigay-daan sa kanila na makapag-machine at makagawa ng mga produkto na lubos na nakakasunod sa mga pamantayan ng mga nagma-manufacture ng eroplano. Bago nito ay may problema sila sa maninipis na bahagi, na karaniwang piyesa ng eroplano, dahil madaling me-deform ang mga ito, at mahirap makatugon sa mga kahilingan sa katumpakan.
Kaunti lang ang mga bahagi ng eroplano na ginagawa, ngunit ang mga dedikadong fixture para sa bawat workpiece ay hindi mahusay. Dagdag pa, nangangailangan ito ng panahon at gastos. Bilang resulta ng pagamit ng floating clamp na para sa pangkalahatang paggamit, na tumutugon sa mga kinakailangan sa katumpakan nang hindi nagdudulot ng pagka-deform ng maninipis na bahagi, matagumpay na malulutas ng kostumer ang kanilang mga problema at mapapataas ang produktibidad.
Ang mga dedikadong fixture para sa mga produkto na ginagawa sa maliit na bilang ay ginagawa pa rin ng mga inhinyero sa teknolohiya sa produksiyon sa maraming mga pagawaan. Ngunit kung ang mga fixture na para sa pangkalahatang paggamit ay palaging magagawa ang clamping na kinakailangan, maaaring makatipid sa panahon at gastos para sa paggawa ng mga fixture at tunay na nagdudulot ng malaking benepisyo sa mga may-ari ng pagawaan. Ang madaling gamitin na floating clamp ay tumitiyak sa katumpakan at performance na inaasahan sa machining ng mga workpiece na komplikado ang hugis.
【Floating clamp】
Clamp at positioning lock synchronized type (Tightening torque: 15 – 30 N・m, Support force: 2 – 8 kN)
Clamp, positioning lock separate type(Max. na tightening torque para sa pag-clamp ng mga workpiece <para sa lapad ng flat na bahagi na 18 mm>: 15 N・m,
Max. na tightening torque para i-fix ang posisyon ng clamping jaw <para sa lapad ng flat na bahagi na 10 mm>: 10 N・m)
(Suportang puwersa na hanggang 8 kN sa isang load sa direksyon ng axis ng floating clamp)

| ROEMHELD HALDER CO., LTD. Naitatag: Enero 1982 Lokasyon: 2-14-8, Yushima Bunkyo-ku, Tokyo 113-0034 Tel: +81-3-6284-2501 Fax: +81-3-6284-2502 Mga shareholder: ROEMHELD ng Germany 50%, HALDER ng Germany 50% URL: http://www.rohal.jp |
| Erwin Halder KG Naitatag:1938 Lokasyon: Bronnen, Germany Mga pangunahing produkto: Hammer, standard na mga bahagi ng makina, universal fixture kit |
Ipinapakilala ng artikulo ang hanay ng mga obra maestrang equipment sa buong mundo ng DMG MORI.
Pakibisita ang DMG MORI showroom namin para makita ang mga produkto sa artikulo.
*Dahil ang ilang equipment ay naka-display sa loob lang ng limitadong panahon, mangyaring makipag-ugnayan muna sa amin.



