CLOSE

Obra maestra sa mundo

  • Obra maestra sa mundo 2024/04/19 UP
  • Print

Obra maestra sa buong mundo #36
Pambihirang Bilis ng Pagdi-drill
Ang "LOGIQ3CHAM" na may napakabilis at napapalitang ulo ng drill na may 3 blade (ISCAR)

Share
Tag
  • Chip disposal
  • Chatter prevention
  • High-speed machining

Drilling at boring. Ang dalawang prosesong ito ng machining ay madalas gamitin sa mga workpiece sa maraming iba't ibang larangan. Sa ilang kaso, higit sa kalahati ng lahat ng proseso ng machining ay nagsasangkot ng dalawang prosesong ito. Ang "LOGIQ3CHAM,"' isang napakabilis at napapalitang ulo ng drill na may 3 blade na binuo ng ISCAR (isang manufaturer ng carbide cutting tool), ay makakatulong sa pagpapabilis at pagpapasimple ng mga prosesong ito ng machining at pagpapataas ng produktibidad. Ito ang kauna-unahang napapalitang ulo ng drill na may 3 blade sa buong mundo, na may kakayahang mag-drill nang napakabilis gamit ang tatlong epektibong blade.

 

Ang kauna-unahang napapalitang ulo ng drill na may 3 blade sa buong mundo ay nagpapataas ng produktibidad nang humigit-kumulang 50% kumpara sa mga karaniwang makina na may 2 blade.

Ang LOGIQ3CHAM ay ang kauna-unahang napapalitang ulo ng drill na may 3 blade. Ang napakamatibay na katawan ng drill at wear-resistant na ulo ng carbide ay nagbibigay-daan sa di-nagbabago at maaasahang machining na may tumpak at maayos na pag-penetrate sa target point.
Sa pamamagitan ng proprietary thinning, naiiwasan ang paglihis ng blade, para maging napakatumpak ng pagdi-drill nang walang pagkurba o pagkiling. Ang chip pocket ay may orihinal na disenyo at, kasama ng flute groove, ay tumitiyak ng makinis na pag-eject ng chip. Panghuli, ang natatanging kurbadong hugis ng cutting edge ay nagbibigay-daan sa mataas na antas ng cylindricity.
Ang LOGIQ3CHAM ay may tatlong epektibong blade para sa pambihirang bilis ng pagdi-drill, at maaaring gamitin upang mapataas ang produktibidad nang hanggang 50% kumpara sa mga karaniwang napapalitang ulo ng drill na may 2 blade. Nananatiling nakadikit ang cutting edge sa workpiece sa mas maikling oras kaysa sa mga makina na may 2 blade, kaya nababawasan ang load sa blade. Dinisenyo ang pocket upang maiwasan ang plastic deformation at pataasin ang heat resistance, para sa mas mahabang buhay ng tool kahit sa ilalim ng matitinding kondisyon.

This content is for members only

The bookmark function is a service restricted to members.
To use it, you must register as a member and log in.