CLOSE

Mga tip sa machining

  • Mga tip sa machining 2017/04/24 UP
  • Print

Mga tip sa machining vol. 7
Mapagkakakitaang solusyon sa pagtatapon ng chip
-Kung paano matuklasan ang halaga ng mga chip-

Share
Tag
  • Chip disposal

Ano ang karaniwan mong ginagawa kapag hindi na kailangan ang isang produktong ginagamit mo sa bahay? Karamihan sa inyo ay itinatapon lang ito bilang basura.
Ang pagbebenta nito sa isang recycling shop ay maaaring isa sa mga pinakamahusay na alternatibo sa pagtatapon nito.

Sa mga pabrika ng pagpoproseso ng metal, madaming cutting chip ang nabubuo araw-araw at kadalasang itinatapon bilang industrial waste. Pero ang mga itinatapong chip na ito ay maaaring gawing produktong mapagkakakitaan kung naproseso nang maayos. Sa artikulong ito ay ipapakilala namin ang isang halimbawa ng mapagkakakitaang paggamit ng mga chip sa aming grupo ng kumpanya na nagma-manufacture ng mga aluminum automotive part sa mass production.

Tumatakbo ang pabrika na ito nang 24 na oras sa isang araw sa isang 3-shift system para i-machine ang aluminum die casting (ADC) sa 60 machining center, at naglalabas ng humigit-kumulang 13 tonelada ng chip bawat buwan. Tungkol sa buwanang gastos sa pabrika, ang halaga ng pagbili ng coolant ay 1.13 milyong yen at ang pagtatapon ng waste oil ay nagkakahalaga ng 175,000 yen. Samantala, ang mga hindi kinakailangang chip ay maaaring ibenta sa halagang 1.4 milyong yen, ibig sabihin ay masasagot nito ang halos lahat ng mga gastos na ito.

This content is for members only

The bookmark function is a service restricted to members.
To use it, you must register as a member and log in.