CLOSE

Mga tip sa machining

  • Mga tip sa machining 2017/04/04 UP
  • Print
  • Bookmark

    The bookmark function is a service restricted to members.
    To use it, you must register as a member and log in.

Mga tip sa machining vol.6
Mga tip sa deep hole drilling

Share
Tag
  • Milling

Ang deep hole drilling ay karaniwang nangangailangan ng mataas na katumpakan sa circularity, straightness, at positional accuracy. Dagdag pa, medyo mahirap na makamit kapwa ang kahusayan sa machining at katumpakan sa machining dahil kapag mas malalim at mas manipis ang butas, nagiging mas mababa ang katigasan ng drill, na nagdudulot sa drill na bumaluktot habang nagma-machining. Ang kahirapan sa pag-drill ay madalas na tinutukoy ng ratio ng diameter ng butas (D) sa lalim ng butas (L), at ito ay tinatawag na “L/D” (L by D) o isang aspect ratio.
Tinatalakay sa artikulong ito ang mga tip sa deep hole drilling na may L/D na 10 o mas malaki pa.

Ang kalidad ng deep hole drilling ay kadalasang nakadepende kung gaano kahusay dumaan sa machining ang pasukan ng butas. Bilang partikular, ang diameter, lalim, at center angle ng guide hole at pati ang paraan ng pag-approach sa guide hole ay mga susi sa de-kalidad na deep hole drilling.

Mga problema sa deep hole drilling
Hindi naiiwasang mangyari ang pag-deform (pagbaluktot) ng tool dahil sa kakulangan sa tigas ng tool, mahabang overhang at pagkakaiba sa posisyon ng mounting ng tool. Kaya dapat na magbigay-pansin sa mga kundisyon ng drilling at tool path kapag ginagamit ang tool sa workpiece sa bawat lalim.

This content is for members only