CLOSE

Mga tip sa machining

  • Mga tip sa machining 2018/07/03 UP
  • Print

Mga tip sa machining vol. 21
2 paraan upang bawasan ang boundary wear sa pamamagitan ng pagma-manage ng tool path sa roughing operation
【Turning】

Share
Tag
  • Turning
  • Roughing

Ang turning ay isang “patuloy na operasyon ng pagputol” kung saan ang cutting tool ay hindi umiikot, at ang cutting edge nito ay nagpapanatili ng contact sa workpiece. Ang permanenteng contact na ito ng isang insert sa workpiece ay may napakalaking negatibong epekto sa buhay ng tool. Ang “boundary wear” ay nagnyayari sa mga boundary kung saan ang isang insert at isang workpiece ay may contact sa isa't isa.

Nagiging kapansin-pansin ang pagkasira ng cutting tool lalo na sa mga boundary, halimbawa sa “boundary hanggang sa hindi na-machine na surface” kapag ang isang cutting tool ay pumasok sa workpiece sa unang pagkakataon, o sa “boundary na may suplay ng coolant” at “boundary na may cutting resistance” kapag ang isang cutting tool ay umabot sa isang partikular na lalim ng pagputol.
Higit pa rito, habang nagpapatuloy ang machining, lumalaki ang panganib para sa “work hardening” kung saan nagiging matigas ang surface ng workpiece sa pamamagitan ng pagkuskos ng pabilog na dulo ng insert, puwersa ng pagputol, o init mula sa pagputol. Ang work hardening ay isa pang salik na nagpapabilis sa boundary wear.

Mga halimbawa ng boundary wear

Mula kaliwa hanggang kanan: “Boundary hanggang sa hindi na-machine na surface”, “Boundary na may suplay ng coolant”

Mula kaliwa hanggang kanan: “Boundary na may cutting resistance”, “Boundary hanggang sa hardened surface”

Kapag tumataas ang distansya ng pagputol at bumibilis ang boundary wear sa abnormal na antas, nagiging hindi na magagamit ang cutting edge, at nagiging lubhang maikli ang buhay ng tool. Iyon ang dahilan kung bakit mahalagang maiwasan ang boundary wear kapag pinuputol ang matigas na materyales tulad ng stainless steel o heat-treated na materyales kung saan madaling mangyari ang work hardening.

Mayroong 2 paraan para maiwasan ang boundary wear: 1) Sa pamamagitan ng pagbabawas ng load sa cutting edge, at 2) Sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga contact position ng cutting edge sa surface ng workpiece.

This content is for members only

The bookmark function is a service restricted to members.
To use it, you must register as a member and log in.