CLOSE

Mga tip sa machining

  • Mga tip sa machining 2016/09/26 UP
  • Print

Mga tip sa machining vol.2
Pagpigil sa chatter sa machining ng mahabang workpiece sa turning center
-Paano mag machine ng mahahaba at maninipis na workpiece-

Share
Tag
  • Chatter prevention
  • Turning
  • Long workpieces

Ang pagkakaroon ng chatter kapag may mahabang workpiece na mina-machine sa isang turning center ay isa sa mga karaniwang problemang kinakaharap ng maraming machinist. Magkakaiba ang sanhi ng chatter. Bagaman sa ilang kaso ay mahirap matukoy ang sanhi at maghanap ng solusyon, ang pangunahing dahilan ng chatter ay Thrust Force (puwersang inilalapat sa workpiece sa direksiyong perpendicular sa surface), na nagigng dahilan ng pagbaluktot ng workpiece. Pagkatapos ay susubukang ibalik sa orihinal nitong hugis ang nabaluktot na workpiece. Ang paulit-ulit na pagbaluktot at pagbalik sa orihinal na hugis ang nagiging dahilan ng pagkakaroon ng chatter. Sa makatuwid, ang mga salik na nagiging dahilan ng chatter ay “thrust force” at “workpiece deflection (pagbaluktot).” Ipinapahiwatig nitong ang chatter ay mapipigilan sa pamamagitan ng pagbawas sa thrust force o pagpigil sa deflection ng workpiece kung saan nailalapat ang thrust force.

May dalawang paraan para mabawasan ang thrust force: ang isa ay pagbawas sa mismong thrust force, at ang isa pa ay paglalapat ng katumbas na puwersang kokontra sa thrust force.
Sa pangkalahatan, ang thrust force ay mababawasan sa pamamagitan ng pagbabago ng mga kundisyon ng machining (hal. pabagalin ang pag-ikot ng workpiece, bawasan ang lalim ng machining) o sa pamamagitan ng pagpapalit ng mga specification ng tool tip at holder (hal. palaparin ang rake angle (breaker)).

This content is for members only

The bookmark function is a service restricted to members.
To use it, you must register as a member and log in.