CLOSE

Mga tip sa machining

  • Mga tip sa machining 2017/09/08 UP
  • Print

Mga tip sa machining vol. 11
Higit na kita sa mas kaunting mga tool
ーMga disbentaha ng tumaas na bilang ng mga tool at solusyon upang mabawasan ang mga bilangー

Share
Tag
  • Tool
  • Tool management

Matagumpay na nabawasan ng mga manufacturer ng mga industriyal na produkto ang bilang ng mga component sa pamamagitan ng murang disenyo. Pero kasabay nito, napapaharap sila sa tumaas na kahirapan sa machining dahil sa dumaraming workpiece na may kumplikadong hugis. Sa maraming shop floor, ang mga operator ng makina ay kinakailangang gumamit ng iba't ibang mga cutting tool para sa magkakaibang mga hugis. Kaya ang patuloy na pagdami ng mga tool na ginagamit ay maaaring isa sa kanilang pinakamalaking problema.
Sa artikulong ito, pag-iisipan natin ang mga disbentaha ng tumaas na bilang ng mga tool at tatalakayin ang mga paraan upang bawasan ang kanilang mga bilang.

Ang pagtaas sa bilang ng mga tool ay nagdadala ng mga sumusunod na disbentaha: (1) pagtaas ng pasanin sa pagma-manage ng tool, (2) pagbaba ng katumpakan ng machining, at (3) matagal na oras ng machining.

(1) Pagtaas ng pasanin sa pagma-manage ng tool

Ito ay isang isyu na malalim ang ugat. Madali mong maiisip na dahil sa tumaas na bilang ng mga tool, nagiging mahirap ang pagma-manage ng imbentaryo nito. Ngunit ang mga pasanin sa pagma-manage ay hindi limitado sa imbentaryo ng tool; kabilang din dito ang buhay ng tool, kondisyon ng machining, bilang ng mga holder, oras ng pag-setup, at espasyo ng storage.
Ito ay maihahalintulad sa isang iceberg sa dagat. Ang mga isyu na nakikita natin ay maliit na bahagi lamang ng ibabaw ng iceberg. Marami pa sa ilalim, na maaaring magpataas sa oras ng paggawa (gastos sa labor) at gastos sa overhead, na posibleng humantong sa pagbaba ng kakayahang kumita ng shop floor sa kabuuan.

Mga iba't ibang tool na natitira sa tool wagon

This content is for members only

The bookmark function is a service restricted to members.
To use it, you must register as a member and log in.