- Halimbawa ng KARANASAN ng Customer 2025/02/17 UP
-
HIGIT 15 TAON NG MGA SAFETY-RELATED COMPONENT PARA SA FREIGHT TRANSPORT
Gamit ng instalasyon ng isang MATRIS system, na autonomous na naglo-load ng dalawang NZX 2500, hatid ng AMG Goeke ang produksiyon ng kinabukasan. Ang AMG Alu Metall Goeke GmbH & Co. KG, na itinatag noong 1980 sa Wickede / Ruhr, Germany, ay nagsimula sa surface finishing. Dinagdagan ng kompanya ang saklaw ng kanilang mga kakayahan noong 1988 sa pamamagitan ng pagsisimula ng CNC production. Pangunahing sinusuplayan ng AMG Goeke ang mga customer sa sektor ng pangkomersiyal na sasakyan, partikular sa industriya ng pagbuo ng truck. Dahil sa kanilang teknikal na kakayahan at maraming taon ng karanasan, ang kanilang team na binubuo ng 25 miyembro ay nakakagawa ng mga component na may napakataas na katumpakan at sopistikadong mga assembiy. Para sa machining, laging umaasa ang AMG Goeke sa DMG MORI. Nag-o-operate ang kompanya ng 15 modelo mula sa nangungunang manufacturer ng mga machine tool sa buong mundo, kabilang ang ilang mga CTX at NLX lathe. Ang pinakabagong investment ay isang awtomatikong manufacturing cell na binubuo ng dalawang NZX 2500 twin-turret lathe at isang MATRIS automation system para sa machining ng mga stub axle.
Parte ng pang-araw-araw na trabaho ng AMG ang mataas na demand sa produksiyon. "15 taon na kaming nagpo-produce ng mga component na pangkaligtasan para sa pagbuo ng mga truck," sabi ni Ralf Goeke, isa na may awtoridad na pumirma at responsable sa pangangasiwa sa kalidad. Idinagdag ng kapatid niyang si Andreas Goeke, isa ring second-generation na miyembro ng pamilya na pinamunuan ang kompanya simula 2003, na: "Katibayan ng aming mataas na kalidad ang matagal na naming pakikipagtulungan sa mga nangungunang manufacturer at supplier mula sa industriya."

Mga stub axle para sa mga pangkomersiyal na sasakyan, kabilang ang mounting para sa mga wheel bearing at brake.
DMG MORI: Di-nagbabago at maaasahang mga turning center
Upang matugunan ang mataas na demand, palaging nagtatrabaho ang AMG ng tatlong shift. "Ibig sabihin nito, puwede naming i-optimize ang paggamit ng aming mga makina," paliwanag ni Ralf Goeke. Magandang halimbawa nito ang produksiyon ng mga stub axle sa pagbuo ng pangkomersiyal na sasakyan. Naka-expose ang component sa matataas na load at kasabay nito, nagsisilbing mounting para sa mga wheel bearing at brake. Sa madaling salita: dapat perpektong magawa ang bawat isang parte. "15 taon na kaming tuloy-tuloy na nagpo-produce ng mga stub axle – na kamakailan ay sa pamamagitan ng paggamit ng walong CTX 420." Dahi sa nasisiyahan sa mga maaasahang turning center, patuloy na pinipili ng AMG Goeke ang DMG MORI hanggang sa ngayon.

This content is for members only