CLOSE

Suporta

Engineering

Paglutas sa mga isyu ng mga customer sa produksiyon nang may malawak na pananaw

Sinusuportahan namin ang mga customer namin sa buong proseso mula sa pagpili ng produkto hanggang sa pagbuo ng system ng produksiyon.
Pinagtutuunan namin ang pag-aalok ng mga teknolohiya ng aplikasyon na nakatutugon sa mga pangangailangan nila at mga solusyon sa mga isyu sa produksiyon gaya ng pagpapaganda sa mga kundisyon sa paghiwa. Ang mga engineer ng DMG MORI ay dedikado sa pagbibigay sa bawat customer ng pinakamainam na solusyon kabilang ang pagtatakda ng proseso, mga kundisyon ng paghiwa, mga fixture at tool, peripheral equipment, software at automation ng buong pabrika.

Pandaigdigang engineering system

Ang mga engineer naming bihasa at puno ng karanasan ay itinatalaga sa mga pangunahing base ng operation ng DMG MORI. Nagbibigay sila ng teknikal na suporta para sa mga customer bilang contact ng serbisyo sa pamamagitan ng proseso ng "teknikal na proposal," "quotation," "kasunduan," "acceptance test," "delivery" at "customer acceptance."

Pandaigdigang Konsultasyon

Ang mga engineering team namin ang nag-aasikaso sa mga order sa maraming bansa. Halimbawa, ang bawat proseso ng pag-o-order, run-off, at delivery ay maisasagawa sa iba't ibang bansa. Gagawa rin kami ng mga proposal batay sa mga lokal na sitwasyon, at nagsisikap kaming matugunan ang mga kinakailangan kapuwa mula sa mga negosyong pandaigdigan at negosyong nakabase sa komunidad.

Halimbawa: Ang proseso mula sa pag-o-order hanggang sa delivery sa maraming bansa
Determination of specifications and order placement in the U.S. - Acceptance test in Japan - Delivery to China

Ang mga engineering team naming nakabase sa bawat bansa ay nagtutulungan sa isa't isa para maasikaso ang mga order na gaya nito.

Resident engineering service

Ang mga propesyonal ng DMG MORI sa machine tool na nakatanggap ng partikular na pagsasanay ay maaaring ipasok sa mga site ng mga customer para magbigay ng mga solusyong magma-maximize sa performance ng machine tool at gagabay sa mga customer para malutas ang mga problema nila.

Nakakatanggap kami ng mga kahilingan at isyu ng mga customer mula sa mga resident engineer para malaman namin ang mga feedbcak para sa susunod na paglikha ng mga lalong magandang produkto.