CLOSE

Mga Cycle ng Paghuhugis

  • Products 2024/01/11 UP
  • Print

Mga Cycle ng Teknolohiya:Mga Cycle ng Paghuhugis

DMG MORI gearMILL

Share

DMG MORI gearMILL

Machining ng Iba't Ibang Gear

Gamit ang DMG MORI gearMILL, maisasagawa ang gear machining gamit ang mga pangkalahatang paggamit na end mill o cutter sa isang single na 5 axis machining center, na dating ginagamit sa mahigit na isang machine kasama ang mga espesyalisadong machine na gumagamit ng mga espesyalisadong tool gaya ng mga hob cutter o pinion cutter. Magagawa ng mga operator na gumawa ng mga serye ng mga program na may kasamang pag-set ng mga specification at tool ng gear na gagamitin sa PC, na magbibigay-daan sa machining ng iba't ibang uri ng mga gear sa mahusay na paraan.

Mga Pangunahing Applicable na modelo

  • DMU/DMC monoBLOCK series
  • DMU/DMC(FD)duoBLOCK series
  • Double column series
  • NHX, NTX series

Background ng Pag-develop

Dahil iba't ibang gear ang inilalapat para paganahin ang mga transmission system para sa construction machinery, mga aircraft, mga marine vessel, at wind-power generation, walang limitasyon ang demand para sa high efficiency na produksyon. Bukod pa rito, nagkakaroon ng demand para sa mga mataas ang katumpakan, magaan, at compact na high-functionality na gear na nakakagawa ng napakahusay, mababa ang vibration, at mahina ang ingay na power transmission. Ang mga gear ay karaniwang pino-produce gamit ang higit sa isang machine tool kasama ang isang espesyalisadong machine gaya ng hobbing machine at broaching machine. Ang mga isyu ay matagal makumpleto ang isang buong proseso ng machining dahil may idle time ang bawat proseso, at kailangan ng produksyon ng pamumuhunan sa maraming machine. Na-develop ng DMG MORI ang DMG MORI gearMILL para matugunan ang mga isyu at makamit ang mataas ang katumpakang gear machining sa isang single machine.

Mga Natatanging Selling Point

1.Versatility

Magagamit ang DMG MORI gearMILL sa isang PC* tulad ng CAM software, at sinusuportahan nito ang gear modeling, generation ng mga path ng tool at NC program, at pagsukat ng gear. Nakaka-generate ang mga inputting gear specification at pagpili ng mga tool ng mga path ng tool na nagma-machine sa iba't ibang gear kasama ang mga double-helical gear, bevel gear (mga straight gear, helical gear, spiral gear), at hypoid gear, bukod pa sa mga spur gear at helical gear. Flexible na napapangasiwaan ng Cycle ng Teknolohiya ang iba't ibang uri ng gear machining dahil gumagamit ito ng mga tool sa pangkalahatang paggamit sa halip ng mga mahal na espesyalisadong tool. Availabel ang DMG MORI gearMILL sa karamihan ng mga DMG MORI na 5 axis machine.

  • *Windows 10 (64 bit)
gearMILL2.0 interface

gearMILL2.0 interface

2. Integration ng Proseso

Karaniwang nangangailangan ang gear machining ng mahigit sa isang machine, halimabawa, isang turning center at machining center, at isang gear machine. Gamit ang DMG gearMILL, matatapos ng isang single na 5 axis machine ang isang workpiece, na nakakabawas sa dami ng mga machine. Bukod pa rito, ino-automate nito ang proseso ng chamfering na karaniwang isinasagawa ng kamay. Higit pa rito, pinapaikli ng mga pagbabawas ng pag-set up ang setup at idle time, na nakakabawas sa lead time mula sa estado ng materyal ng produkto hanggang sa natapos na estado nito. Napahusay nang husto ang productivity ayon sa unit area.


 

Chamfer na function

3. Pagbawas sa Oras ng Programming at Oras ng Pag-adjust ng Gear Tooth

Ang mga operator ay makakapagtakda ng mga impormasyon gaya ng mga gear form, gear mesh, at tool path habang sinusuri ang mga graphic sa isang PC. Dahil hindi nangangailangan ng anumang espesyal na kasanayan ang pag-input ng mga parameter, magagawa sa loob ng maikling panahon ang mga program. Bukod pa rito, mapapaikli ang mga pagsusuri ng gear mesh at tagal ng pag-adjust dahil may iba't ibang available na pag-adjust ng gear tooth.

Iba't ibang pag-adjust ng gear tooth

Iba't ibang pag-adjust ng gear tooth

Integration ng Proceso at Pinaikling Tagal ng Machining

Process Integration and Reduced Machining Time

The bookmark function is a service restricted to members.
To use it, you must register as a member and log in.